Poem2021-02-28T08:31:17+00:00

Sa aking naging Kaibigan

By: Roda Jane Tutaan Baradi

Sa bawat sulat ko ng aking mga sasabihin,
Mukha mo ang tumatatak sa aking isipan.
Hindi ko malimutan ang saya na dinulot mo sa buhay
ko at pagbigay mo ng kulay sa mundo kong madilim at
di pa nais umibig.

Umuulan ngayon, pero masasayang araw ang naalala ko.
Mga ngiti at halakhak mo na tila parang wala ng bukas.
Mga pagpapakwela at paggawa ng mga mga bagay
na para lang mapasaya ako.
Mabilis ang panahon, madaming nagbago.
Ang mga ngiti napalitan ng lungkot,
ang mga halakhak napalitan ng sigaw at
ang pagpapakwela ay napalitan ng pagbabalewala.

Hindi ko malaman ang rason pero gustohin
ko man na itanong, natatakot akong malaman ang rason.
Gustohin ko man maibalik ang noon,
pero hindi na ata pupuwede ngayon.
Batid ko na, ayaw mo na pero pinipilit kong isipin
at pagkatiwalaan ka na gusto mo pa.

Mahirap na yun nalang ang mga bagay na pinanghahawakan ko,
pero umaasa ako na magbabago parin ang pag-iisip mo.

Nakulong ako sa sitwasyong "Mahal pa kita"
at "Kaya ko pa ba?" dahil alam ng sarili
ko na gusto ko pa pero mahirap na ipilit pa.

Nakagapos ako sa mga sinabi mo na "Hindi kita bibitawan"
at "Umaasa ka na magtatagal tayo, tiwala lang" pero naiisip
ko ngayon kasinungalingan na ata ang mga sinabi
mo na sinasapuso ko parin ngayon.

Kasabay ng luha na pumapatak ay ang musikang malungkot
na naririnig at dinaramdam ng puso ko. Ito nalang ata ang magagawa
ko para sa sarili ko, ang umiiyak at harapin ka na parang hindi
ko na naisip na gawin yun. Ayoko ipakita na malungkot ako
at kaawaan mo pero dahil sobrang minahal kita baka lumuhod
at yumakap pa ako saiyo.

Unan at kumot ang siyang kakampi ko sa laban na ito.
Sa laban na kung saan ako na pala ang talo.
Wala ng dahilan para ipaglaban at ipagsigawan na kaya ko pa dahil,
Mahal ika'y sumuko na.
Sinukuan mo ang pang-matagalan na pagiibigan
na kung saan malabo natin mararanasan ang hiwalayan.
Bumigay kana at tuluyan mong kinalimutan
ang pinagsamahang walang katumbas na kasiyahan.

Malabo, Mahirap at Mali na muli ako ay humiling pa na mahalin
mo ako ulit dahil sinabi mo harap-harapan, may bago kana,
mas mahal mo na siya at di mo na siya iiwan kahit kailan.
Mga salitang binatawan mo din sakin noon at pinaninindigan
ko padin ngayon.

Pinaninindigan dahil umaasa pa. Umaasa na babalik sa dati
at di na muli mararanasan ang sakit na nararamdaman ngayon.

Pagod na ata ang nararamdaman ko at hindi
ko na halos makilala sarili ko.
Masyado ata kitang minahal pero nagsukli
ka lang ng pag-iibig na mas mababa
pa sa bente-singko sentimo na barya.

Kaya Mahal, paalam pero ito na ang huli, hindi
ko na kaya pang-ibigin ka at tiisin pa ang sakit pero,
pangako kapag nagkita tayo pang muli, ayos na ako
at handa na ako maging isang kaibigan mo uli.

Mahal, Sa langit kung saan ako humihiling na makasama
ka pang-habangbuhay at nagdarasal na maging masaya kayo
ng bagong minamahal mo, Saan doon ako na ulit ang mahal mo.
Para matuloy natin ang pagiibigan natin naudlot dito sa lupa.**